Puksain ang Kapahamakan

Nakababahala sa ngayon ang isang malagim na epidemyang African Swine Fever Virus na kung saan ay pinupuntirya nito ang baboy na mga hayop na kung saan ay isa sa mga kinahihiligan pagkain ng mga tao ang karneng ito ngunit nararapat ba itong pangambahan ng mga tao?
Kung ating matatandaan ay lumaganap at sumiklab itong nakakahawang virus nitong mga nakaraang araw na kung saan ay maraming mga baboy ang namatay at natamaan at naapektuhan nito ay ang probinsya ng Rizal at Bulacan.
Nagiging sanhi ng hemorrhage fever sa mga baboy na kung saan ay namamatay sa huli ang mga naapektuhan, nahahawaan at nagiging biktima nitong sakit na kung saan ay naaepektuhan ang produksyon ng karne sa ating bayan at maging sa ibang bansa.
Bilang paraan sa pagresolba nito ay kumatay ang mga awtoridad ng tinatayang 7,000 na mga baboy upang mapigilan ang pagkalat nitong sakit na kung saan ay walang lunas pang nadiskubre sa ganitong uri ng epidemya o virus, na inilathala sa ABS-CBN.
Sa ikauunlad ng ating komunidad ay nararapat tayong magtulungan at magkaisa para sa kagalingan ng bawat isa lalo na sa mga alagang hayop na baboy at naghahayupan na siyang naapektuhan nito, isang malagim na sakuna ang sumubok sa ating bansa ngunit kung tayo ay kikilos ay tiyak na masusugpuan ito.
Kumilos at puksain ang itong kapahamakang dulot African Swine Fever!