Balitang Talumpati
Ni Mae Flor Gabas

Binigyang-diin ni Reyan Arinto, Information Officer 3 ng Komisyon sa Populasyon o POPCOM sa ikawalong rehiyon sa isang Mini Media Conference bilang bahagi ng Area Schools Press Conference na ginanap sa Gymnasium ng Tanauan School of Craftsmaship and Home Industry o TSCHI nitong ika-18 ng Setyembre.
Maagang pagbubuntis o teenage pregnancy ng mga kabataan ang paksang napag-usapan at ang tungkulin ng mga pangkampus na pamamahayag sa ganitong mga problema o suliranin sa ating lipunan at bansa.
“Hindi lamang sa pagsisiwalat ng mga kaalaman ang gampanin ng mga etudyanteng mamamahayag at manunulat kundi magturo sa mga mambabasa na isakilos ang mga nabasang impormasyon,” Arinto
Saad pa niya na isa sa mga seryosong problemang kinakaharap ng ating bansa ay ang maagang pagbubuntis ng mga kabataang may 19 gulang pababa kung kaya’t bilang mga batang mamahayag ay dapat ipakalat at magbigay ng kamalayan sa mga kabataan kung ano ang mga maaaring kahihinatnan sa ganitong gawain.
“Pagkakalantad ng mga kabataan sa social media ang pangunahing dahilan kung bakit mataas ang bilang ng maagang pagbubuntis na kung saan ay 70 porsiyento sa mga tinedyer ang lantad sa social media at internet na sa pamamagitan nito nagkakaroon ng access at komunikasyon na kung saan ay maaaring mahantong sa maagang sekswal na pakikipag-ugnayan,” dagdag pa ni Arinto.
Ilan rin sa kanyang nabanggit na mga sanhi sa ganitong gawain ay peer pressure at kakulangan sa impormasyon na kung saan ay nakakakuha ng impormassyon ang ating mga kabataan sa kanilang kapwa kasing edad na dapat sa kanilang mga magulang at nakatatanda na propesyunal tungko sa sekswalidad.
Sa pamamagitan ng pamkampus na pamamahayag ay inaasahang makisa at magtulungan sa pamamagitan ng mga estudyanteng mamamhayag sa pagsulong ng adbokasiyang maghatid ng mga impormasyon sa mga kahihinatnan nitong maagang pagbubuntis.