Isports

Ukol sa Balibol

Kinahihiligan na ngayon ng mga kabataan ang mga gawaing pisikal tulad ng isports, iba’t ibang laro ang nakapaloob rito at isa sa mga karaniwang nilalaro ay ang balibol (volleyball) na kung saan ito ay isa sa mga aktibidad na ginaganap mapa publiko man o pribadong paaralan, ngunit tayo ba ay may mga kaalaman sa mga magagandang naidudulot sa atin ng larong ito?

Matatandaang ang balibol ay nagmula sa Estados Unidos na nilikhha ng isang amerikanong direktor sa Physical Education sa YMCA na matatagpuan sa Holihoke. Unang tawag sa larong ito ay “Mintonetti” na sa kalaunay naging “Volleyball”.

Marami ang naitutulong ng paglalaro ng balibol sa atin tulad ng pagpapalakas ng resistensiya ng katawan upang makaiwas sa mga sakit tulad ng kanser, osteoporosis, pagtaas ng prisyon, depresyon at diabetes. Ngunit hindi lamang nakakatulong ang paglalaro nito sa ating katawan kundi maging sa paraan ng pag-iisip.

Nagbibigay din ito ng mga pangkaisipang benepisyo. Nakakatulong ang larong ito sa kaisipang pang mental dahil mabilis na nakakaisip ng solusyon ang isang manlalaro sa paglalaro at ang mabilis na pag iisip na ito ay nagagamit sa iba’t ibang aspeto ng kanilang buhay gaya sa pagsagot ng mga sitwasyunal na mga tanong. Isa ring pampatanggal ng istress at pag kakaroon ng lakas ng loob ang paglalaro ng balibol.

Nagbibigay ng saya ang paglalaro ng balibol. Maraming mga tao ang sumasaya habang nilalaro nila itong isang uri ng isport. Nararapat lamang na alamin natin ang kahalagahan na patungkol sa balibol para sa ating sariling kapakanan at kabutihan. Dahil kapag malusog ang katawan, malusog din ang isipan.